Dilivery boy nabaon sa utang sa online sabong, nagpakamatay

Dilivery boy nabaon sa utang sa online sabong, nagpakamatay

February 28, 2022 @ 2:10 PM 4 months ago


CAGAYAN-Maaring sa malaking pagkakautang sa “Online Sabong” ang dahilan nang umanoy pagpapakamatay ng isang 29-anyos na delivery boy sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa isang puno sa bayan ng Sta Teresita dito sa nasabing lalawigan.

Ang nasabing biktima ay may-asawa at residente ng San Vicente, Buguey, Cagayan.

Sa ipinarating na ulat niPCapt. Ranulfo Gabatin, hepe ng Sta Teresita Police Station kay PCol. Renell Sabaldica, Provincia Director ng Cagayan Police Provinvial Office o CPPO, dakong 8:30 ng umaga nang madiskubre ang nakabiting katawan ng biktima gamit ang lubid sa isang pomelo tree na matatagpuan sa bukiring bahagi ng nasabing lugar.

Nakita rin ang isang suicide note sa katabing kubo na nagsasaad ng paghingi nito ng tawad sa malaking pagkakautang na nagkakahalaga ng P200K dahil sa pagkalulong niya sa online sabong o talpakan na kinumpirma naman ng kanyang mga ka-anak.

Ngunit ipinagtataka at palaisipan sa pulisya ang pagpapatiwakal ng biktima dahil sa sintas na sapatos na nakatali sa kanyang dalawang kamay. Rey Velasco