Dimples, suportado ang pagtatago ni Angel!

Dimples, suportado ang pagtatago ni Angel!

November 8, 2022 @ 4:45 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Aprub kay Dimples Romana ang pagiging MIA o missing in action ni Angel Locsin.

Sa mga hindi nakakaalam, si Dimples ay kumare ni Angel dahil inaanak nito ang kanyang anak na si Alonzo.

Kumpare naman ni Dimples ang asawa ni Angel na si Neil Arce dahil inaanak naman nito ang isa pa niyang anak na si Elo.

Nakasanayan na ng mga netizens ang mga ayuda ni Angel sa tuwing magkakaroon ng kalamidad sa bansa.

The latest of which nga ay ang bagyong Paeng na nagdulot ng matinding pinsala at baha sa maraming bahagi ng bansa.

Dahil dito’y hinahanap ng mga tao si Angel at mga ayuda ng aktres na binansagang real-life Darna sa buhay ng ating mga kababayan.

No other celebrity has more authority to provide an answer than Dimples given her affinity sa mag-asawa.

Ani Dimples, nauunawaan daw niya si Angel kung gusto muna ng privacy. Kahit daw siya’y nakakaranas ng moments when she wants to detach from the world at mag-focus muna sa pamilya at mga mahal sa buhay.

“Let’s give it to her,” ani Dimples na ang tinutukoy ay ang luxury of time which Angel deserves to spend.

Magugunitang noon pang August ang last post ni Angel habang nagbabakasyon sila ni Neil sa Spain.

Pero inamin ni Dimples that she messages the couple once in a while para mangumusta.
Kundi man message ay nagkakausap sila through Facetime.

Dimples knows full well na ninanamnam ng mag-asawa ang kanilang private moments together.

Besides si Angel lang ba palagi ang celebrity na dapat nakaayuda sa ating mga nangangailangang kababayan?

Sana all! Ronnie Carrasco III