Dimples, tinukso si Joshua kay Charlie!

Dimples, tinukso si Joshua kay Charlie!

January 18, 2022 @ 1:27 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Marami ang nakapansin na may kakaibang chemistry sina Joshua Garcia at Charlie Dizon na magkasama sa Kapamilya teleseryeng “Viral.”

Katunayan, anila, perfect match daw ang dalawa dahil pareho silang magaling umarte.

May showbiz observers ding nagsasabing may future sila bilang love team tulad ng JoshLia noon.

Ang dalawa rin ang naging tema sa pa-Q and A ni Dimples Romana sa kanyang Instigram account.

Isa kasing faney ang nangumusta sa kanya kung paano katrabaho si Joshua.

Sey ni Dimples: “Nakakakilig. Kahit hindi ako ang love team @garciajoshuae.”

Sa naunang thread, pinuri rin niya ang galing at kaguwapuhan ni Joshua at inurot din si Charlie tungkol dito.

“Ikay @charliedizon_ Napakagwapo ni Sir Kyle @garciajoshuae pala lalo sa personal ano?” pambubuyo ni Dimples.

Rica o Ikay ang pangalan ng karakter ni Charlie sa “Viral” samantalang ang corporate role naman ni Kyle Salvacion ang ginagampanan ni Joshua. Archie Liao