Dina, kasundo ang stepchildren!

Dina, kasundo ang stepchildren!

October 1, 2022 @ 10:29 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Very obvious na kuntento si Dina Bonnevie sa piling ng kanyang asawa na si DV Savellano, former congressman.

Ayon na rin sa interview ng Pep, may basbas pa nga ng kanyang asawa ang pagiging aktibo muli ni Dina sa entertainment industry.

“Pinag-usapan namin ‘yan bago kami nagpakasal. Sabi ko sa kanya, ‘Please, never stop me from doing what I want to do, be supportive, and I will also be supportive towards you,'” kwento ni Dina.

Sinagot naman daw siya hg kanyang asawa ng, “Hindi na kailangan pag-usapan ‘yan. Nakilala kita na artista so kailangang tanggapin ko ‘yan.'”

May nauna nang mga anak si DV sa kanyang former partner at ganu’n din naman si Dina.

“Like all children, ‘di ba, kapag may stepmom, akala nila salbahe. Pero nakita naman ng mga stepchildren ko na masilbi ako. Ipinagluluto ko sila, ipinaglilinis ko ng bahay. ‘Yung mga kuwarto nila, nililinis ko.

“Maasikaso ako, even in their lives. ‘Yung mga personal nila, inaayos ko.

“Minsan nga, nag-camping kami. ‘Yung kids ni DV saka sina Danica, nag-camping kami sa Quezon. It’s a nice camping site. Ang saya-saya,” kwento ng aktres.

May bagong sitcom si Dina kasama si Alma Moreno sa TV 5 at Sari-Sari Cignal, ang Kalye Kweens.

Hindi paaawat ang dalawang magkalaban sa bardagulan at dakdakan kapag nagpang-abot ang magkatunggali sa dalawang komunidad: Si Alma bilang si Mandy, at si Dina bilang si Barangay Captain Telly. Ang nakakaaliw na sitcom ay idinirek ni Temi Cruz Abad.

Si Vitto Marquez ay gagampanan ang role ng anak ni Alma, at si Jairus Aquino naman ang anak ni Dina. Love interest ng dalawa si Aubrey Caraan. May special role din ang comedienne na si Lyca Gairanod.

Kasama rin sa cast sina Marissa Delgado, Jojo Abellana, Giselle Sanchez at Marissa Sanchez,

Abangan ang riot na bardagulan sa Kalye Kweens tuwing Sabado sa TV5, 8:30 PM. Noel Asinas