Dina, nagsalita na sa isyu nila ni Alex!

Dina, nagsalita na sa isyu nila ni Alex!

February 1, 2023 @ 10:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, nagsalita na si Dina Bonnevie sa isyu nila ni Alex Gonzaga.

Naganap ang paglilinaw ng 61 anyos na aktres sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes.

Inamin ni Dina that the incident had to do with the teleserye PS I Love You on TV5 they were doing together in 2011.

Bahagi rin ng nasabing teleserye sina Gabby Concepcion, Cheska Iñigo at Nadine Lustre.

Partikular daw na sinita ni Dina ang pagiging late ni Alex sa set, hindi isang beses kundi sa maraning pagkakataon.

Si Dina raw bale ang nagsilbing spokesperson ng kanyang mga co-stars.

Idinetalye niya ang pagkakataong late na nga ng isang umaga sa set si Alex, umalis ng lunch at bumalik nang late, bagong paligo at wala pang makeup gayong may kukunang eksena.

Hindi raw nagustuhan ni Dina ang paraan ng pagsagot ni Alex sa kanya, kaya pinagsabihan niya ito.

Itinanggi niyang sinungitan niya ito, bagkus ay nangaral lang daw siya.

“I told Alex that if she wanted to stay long in this business, she had to change her attitude,” kuwento ni Dina.

Nagkausap din daw sila ng ina ni Alex na si Mommy Pinty para magpaliwanag.

Nagkaiyakan pa nga raw sila matapos ng paliwanagan.

As far as Dina is concerned ay matagal na nilang naayos ang isyu.

Nagkataon nga lang daw na sa isang presscon na inatenan niya noong 2018 ay may miyembro ng press ang nagtanong kung naranasan na ba niyang may umastang prima donna sa kanya.

Doon na nga raw niya ikinuwento ang kanyang karanasan kay Alex.

Proof that she and Alex have kissed and made up ay noong mag-guest pa raw si Dina sa show ng nakabanggang co-star. Ronnie Carrasco III