Dinagyang festival, dinagsa

Dinagyang festival, dinagsa

January 22, 2023 @ 1:00 PM 2 weeks ago


ILOILO CITY- Muling namayagpag ang paggunita ng taunang Dinagyang Festival sa lungsod na ito matapos ang higit dalawang taong pamamahinga dahil sa pandemyang COVID-19.

Dinagsa ng libu-libong turista at namamanata ang opening salvo ng selebrasyon na nagsimula noong Enero 13, at sinundan ito ng mga aktibidades gaya ng Dinagyang tribes competition, nagkaroon ng misa sa San Jose Parish Placer, Dinagyang “ILOmination” Competition, at ang parada ng mga makukulay na floats.

Siniguro naman ng lokal na pamahalaan ng iba’t ibang lungsod ang kaligtasan ng lahat ng kasali sa mga aktibidades kaya nakahanda na rin ang Iloilo-PNP at iba ng unit ng lungsod.

Samantala, simula noong Enero 20, pansamantalang isinara ang mga daan sa Iznart, Ledesma, Valeria, Quezon at bahagi ng Ledesma para sa parade ng lahat ng judging area ng Dinagyang.

Inilabas naman ni Jeck Conlu, hepe ng Public Safety and Transportation Management Office ang mga daanan ng mga sasakyan:

*Ang mga pampasaherong sasakyan na may ruta Jaro-City Proper hanggang sa rotonda ng La Paz

*Galing naman La Paz hanggang sa likod ng Provincial Capitol, liliko sa Quirino bridge patungong Rizal, La Paz

*Ang may ruta na Villa Arevalo hanggang sa Mabini- Ledesma – De Leon – Fuentes lang ay balik sa orihinal na ruta

* Ang may ruta Mandurriao hanggang sa Mabini Street laman

* Ang may ruta Timawa hanggang Ledesma- Mabini – De Leon- Fuentes lamang balik sa orihinal na ruta

* ang may ruta Parola hanggang Plaza Libertad lamang balik sa port area.

Kasalukuyan naman ginaganap ang pagtatanghal sa Iloilo Freedom Grandstandng ilang tribu mula sa iba’t ibang lugar sa Western Visayas. Mary Anne Sapico