Dindo, kulong sa cybercrime!

Dindo, kulong sa cybercrime!

September 21, 2022 @ 5:53 PM 7 days ago


Manila, Philippines – Alas sais nang gabi nitong Martes dinakip ang character actor na si Dindo Arroyo sa salang cybercrime. ‘Yan ay ayon sa entertainment website na PEP.

Naaresto si Dindo, Conrado Ambrosio II sa totoong buhay, sa Binan City, Laguna.

Hindi pa nag-iisyu ng mga detalye ang BJMP sa Laguna sa likod ng two counts ng nasabing kaso.

Hindi rin malinaw kung sino ang nagsampa ng mga kaso at kung saan ibinatay ang mga ito.

Bago rito’y wala naman daw nababalitang may nakaalitan ang aktor sa social media.

Kilalang tahimik lang si Dindo na kadalasa’y gumaganap bilang kontrabida sa TV at pelikula.

Hinihintay pa ng Remate Online ang updates sa pagkakaaresto kay Dindo.

Sinasabing P10k ang piyansa sa bawat kaso ang dapat niyang ilagak kapalit ng kanyang pansamantalang paglaya.

Umaasa naman ang pamilya’t mga kaibigan ni Dindo na malalampasan nito ang kinakaharap na kaso. Ronnie Carrasco III