Dingdong, payag maging water boy ni Marian!

Dingdong, payag maging water boy ni Marian!

December 12, 2021 @ 9:18 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Talaga naman!

Napa-‘sana all’ na naman ang netizens at bumuhos ang kilig dahil sa sweet Instagram post ni Dingdong Dantes para sa asawang si Marian Rivera.

Hindi kasi nagpa-awat sa pagbigay suporta si Dong sa pagiging judge ng asawa sa Miss Universe 2021.

“I don’t mind being this judge’s water boy during tonight’s preliminary event,” caption ni Dingdong sa stunning photo ni Marian, posted on his IG account.

Sino nga ba namang hindi gaganahang mag-judge kung may ganito ka ka-sweet na asawang naka-suporta sa ‘yo all the way.

Maging ang bashers ng Kapuso Primetime Queen, for sure napa-back off.

“Hanap muna kayo ng Dingdong para ‘di kayo bitter,” sabi nga ng supporters ni Rivera.

Bukod sa mga fans, mukhang kinilig din ang kapwa celebrities ng dalawa. Kabilang na dito sina John Arcilla, Dion Ignacio, at Angel Locsin na hindi na napigilang mag-comment sa post ni Dong.

Batuhin niyo na ng ‘sana all’ si Marian! Sana all dyosa, sana all may sweet na asawa, sana all judge sa Ms. Universe! Sigaw ng hardcore fans!

Well. ‘Sana all’ naman kasi talaga. Paula Jonabelle Ignacio