Diokno: 1 sa 10 Pinoy na lang na mahirap target ng Marcos admin

Diokno: 1 sa 10 Pinoy na lang na mahirap target ng Marcos admin

June 3, 2022 @ 2:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naniniwala si incoming Finance Secretary Benjamin Diokno na bababa sa 1 mula sa 10 Pilipino sa 2028 ang poverty level ng bansa.

“But this will be if the country’s economy grows at 7% this year then 6% for the next six years, which may bring down the Philippines’ debt-to-gross domestic product (GDP) ratio to 3%,”ayon kay Diokno.

“Ako’y naniniwala na by that time, poverty in the Philippines will be just 1 out of 10 [Filipinos] or even lower,” dagdag na pahayag nito.

Ani Diokno, layon ng mga incoming economic managers ang ibaba ang debt-to-GDP ratio ng bansa ng 3% sa pagtatapos ng termino ni Marcos Jr., sa 2028.

Aniya, doable ito kahit pa ganito ang kasalukuyang tax system na iiwan ng administrasyong Duterte.

“So ganun ang plano namin then we will accomplish our plan which originally adapted na we will achieve the upper-middle-income country ang Pilipinas by maybe in a year or two and another target that was disrupted because of the pandemic, that we will get A rating,” he said, pointing out that the country is currently at B to B+ rating,” ani Diokno.

Samantala, ipinanukala ng kasalukuyang Department of Finance ang bago at higher taxes plus a three-year deferral ng income tax reductions scheduled para sa mga individual taxpayers para bayaran ang utang ng bansa.

Magkagayon man, nauna nang sinabi ni Diokno na hindi siya pabor na itaas ang buwis kahit pa nakatakdang manahin ng incoming Marcos administration ang napakalaking utang ng bansa.

Bahala na aniya ang mga incoming economic managers na tingnan ang suhestiyon ng outgoing administration at “figure out which are doable and not doable.” RNT/SA