Diokno ayaw na sa POGO

Diokno ayaw na sa POGO

September 15, 2022 @ 5:49 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nais na ni Finance Secretary Benjamin Diokno na umalis na ang POGO o Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.

Ito ang kanyang inihayag nang tanungin tungkol sa personal niyang opinyon kung may epekto ba sa bansa kung sakaling alisin na ang industriyang ito.

“If you ask my personal opinion on this, let’s discontinue with the POGO because of the social cost,” sagot ni Diokno.

“It also has a reputational risk because people will ask, ‘Why are they going to the Philippines? Diniscontinue na sa China, diniscontinue na sa Cambodia, why are they going to the Philippines?,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noon pang 2019 ay nagbanta na ang Department of Finance na ipapasara ang mga POGOs dahil sa tax liabilities nito at hindi pa nasisingil na withholding tax na nasa P21.62 bilyon. RNT/JGC