Diokno may paglilinaw sa relasyon kay PBBM sa ulat na papalitan bilang DOF Sec.

Diokno may paglilinaw sa relasyon kay PBBM sa ulat na papalitan bilang DOF Sec.

November 22, 2022 @ 1:42 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Martes na nananatili ang “very good” relationship niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng mga ulat na papalitan siya sa kanyang pwesto.

Base kay Diokno, hindi niya alam kung saan nagmula ang mga ulat na papalitan siya ni Albay Representative Jose Maria Clemente “Joey” Salceda.

“I’m old enough in this game to even bother about this. I just work nonstop unceasingly to do my job, and I always think of what’s the greatest good for the greatest number para sa bayan,” pahayag niya.

Ito ang naging komento ni Diokno matapos lumitaw ang mga ulat na sinisilip ni Marcos na italaga si Salceda bilangFinance secretary, na nauna nang itinanggi ng mambabatas.

“Magkaibigan kami ni Joey. Mayroon kaming group na ‘FFF’ no — Friday Friends Forever,” sabi ni Diokno.

Sa kanyang keynote speech sa Pilipinas Conference sa Makati, binanggit ni Diokno ang mga bagong hamon sa muling pagbuhay sa ekonomiya.

“While the effects of the pandemic still linger and new threats have emerged, we move forward with renewed confidence, equipped with the fiscal tools and strategies required to navigate and environment beset with uncertainties,” sabi niya.

“The task of rebuilding the economy requires a concerted whole of nation effort so let us work together to deliver to the Philippine people a prosperous nation and a secure future,” patuloy ni Diokno. RNT/SA