Diokno sa ekonomiya ng Pinas sa 2023: Worst is over, best is yet to come

Diokno sa ekonomiya ng Pinas sa 2023: Worst is over, best is yet to come

December 29, 2022 @ 11:40 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na habang “the global economy is likely to face a mild recession” sa 2023 matapos ang COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine, “the worst is over and better years are expected” para sa Pilipinas.

Sa isang kalatas, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay “did very well in 2022,” tinukoy nito ang “political at economical wins.”

“After a modest recovery in 2021, GDP will likely grow much faster than the official target range of 6.5 to 7.5 percent this year,” dagdag na pahayag nito.

“All sectors will be surging, led by manufacturing and construction, while strong domestic demand is supplemented by exports,” wika pa ng Kalihim.

Ibinilang ni Diokno ang labor market bilang unemployment rate na dumulas sa pinakamababa na 4.5% at 4.6 million new jobs na nalikha noong Oktubre.

Sa kahalintulad na buwan, ang underemployment rate, o percentage na nangangailangan ng mas maraming oras ng trabaho ay dumausdos sa 14.2% habang ang average number ng oras ng trabaho ay tumaas

Base rin sa data, mas maraming Filipino, may edad na 15 pataas, ang nakiisa sa manggagawa, itaas ang labor force participation rate sa 64.2%.

Ang manufacturing sector ay “source of optimism” ayon kay Diokno.

“The S&P Global Philippines PMI (Purchasing Managers’ Index) has mostly been in an expansion mode, reaching 52.7 percent index points in November. Jobs in the manufacturing sector increased by 10.42 percent in October 2022 year-on-year as improved sales signaled business expansions and higher capacity use,” anito.

“The expanded job creation is a sign of future growth prospects for the sector. Looking ahead, output expectation in the next 12 months remains optimistic with hopes of demand expansions,” dagdag na pahayag nito.

Ani Diokno, ang lahat ng oil prices ay bumalik na sa level nito bago ang Russia-Ukraine conflict sa gitna ng pangamba sa global demand.

“Rising COVID cases and the strict quarantine measures in China have had dampening effects on crude oil prices and other energy commodities. In brief, the oil futures market remained in backwardation as of 29 November 2022, owing to weak demand due to production disruptions in China, tighter global financial conditions, and deteriorating world growth prospects,” paliwanag nito.

“Higher oil costs are also exerting pressure on domestic inflation, which soared to a 14-year high of 8% in November,” ayon sa ulat.

Samantala, inamin naman ni Diokno na ang inflation ay major concern para sa Philippine authorities, subalit sinabi nito na ang inflation ay magsisimulang gumaan sa susunod na taon, ang prediksyon na kalalabasan nito ay sa loob pa rin ng target band na 2% hanggang 4% sa 2024.

“This positive prediction is based on the very close coordination between monetary and fiscal authorities and the falling prices of oil and related commodities,” paliwanag nito. RNT