Diokno sa PH debt: ‘We won’t go the Sri Lanka way’

Diokno sa PH debt: ‘We won’t go the Sri Lanka way’

August 16, 2022 @ 6:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang problema ng Pilipinas pagdating sa utang o paghiram ng pera ay hindi maihahalintulad sa Sri Lanka.

“Well, I can assure you, your honor, that we won’t go the Sri Lanka way. We are very careful in our borrowings. In fact, as the treasurer said, I think most of our debt is long term,” ang sinabi ni Diokno sa Senate ways and means committee nang hilingin ni Senador Sonny Angara na magbigay siya sa panel ng assurance na ang utang o perang hiniram ng bansa ay mananatiling nasa manageable level.

Binanggit ni Angara, vice chairperson ng komite na may mga espekulasyon kasi na kinukumpara ang debt situation ng Pilipinas at Sri Lanka.

Pinanghawakan ni Diokno ang polisiya ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez III na humiram o mangutang “at the lowest possible interest rate.”

“Secretary Dominguez has been very good in making sure that we borrow at the lowest possible interest rate and it is spread out. Plus, I think what you’ve done, because you have strengthened the tax system,” ayon kay Diokno.

“I think we should be able to service whatever we borrowed down the road. So I can assure you, Mr. Chairman and members of the committee that in fact, that is the purpose of that medium-term fiscal framework to make sure that we don’t go the Sri Lanka way,” dagdag na pahayag ni Diokno.

Noong nakaraang linggo, napaulat na bahagyang bumaba ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng bansa sa ikalawang quarter ng taon.

Ayon sa Bureau of Treasury, nananatili pa rin ito sa manageable threshold.

Batay sa datos, sa pagtatapos ng Hunyo 2022, naitala ang debt-to-GDP ratio ng bansa sa 62.1% na mababa sa 63.5% sa unang quarter ng taon.

Gayunman, mataas pa rin ito sa internationally recommended ceiling na 60%.

Target naman ng Marcos administration na maibaba ang debt-to-GDP ratio sa 60% sa 2025.

Upang magawa ito, sinabi ni Diokno na hindi na mangungutang ang gobyerno na kasinlaki ng borrowing na ginawa ng Duterte administration. Kris Jose