Diplomatic boycott ng Beijing Winter Olympics inanunsyo ng US

Diplomatic boycott ng Beijing Winter Olympics inanunsyo ng US

December 7, 2021 @ 10:24 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Estados Unidos ang isang diplomatic boycott sa 2022 Beijing Winter Olympics, upang ipakita ang pagkondena sa human rights record ng China, sa pamamagitan ng pagpigil nito sa mga atletang Amerikano sa paglahok sa naturang palaro.

Ito ay ilang buwan ng pagdedesisyon ng Washington kung ano ang magiging posisyon sa naturang palaro, na gaganapin sa Pebrero sa China, ang bansang inaakusahan nito ng “genocide” laban sa Uyghur Muslims sa Xinjiang region.

Wala namang reaksyon mula sa Beijing, subalit nitong Lunes ay nagbanta ang Chinese foreign ng “resolute countermeasures” sakaling ituloy ang boycott.

Tinaggap naman ang desisyong ito mga politiko sa Estados Unidos, kung saan inaasahang magsasalita si President Joe Biden laban sa Chinese rights abuses.

Sinabi naman ni White House Press Secretary Jen Psaki na hindi umano magpapadala ang administrasyong Biden ng diplomatic o official representation sa Beijing Games dahil sa “ongoing genocide and crimes against humanity in Xinjiang and other human rights abuses” sa China. 

“The athletes on Team USA have our full support. We will be behind them 100 percent as we cheer them on from home,” aniya.

Ayon sa campaigners, hindi bababa sa isang milyong Uyghurs at iba pang Turkic-speaking, Muslim minorities ang ikinukulong sa mga kampo sa China, at diumano’y nagpapatupad ng forced labor.

Sinabi naman ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na nag Olympics “is not a stage for political posturing and manipulation.” RNT/SA