Direct importation ng langis sa Russia, ‘di uubra – solon

Direct importation ng langis sa Russia, ‘di uubra – solon

June 24, 2022 @ 3:45 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Nilinaw kahapon ni Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel na hindi maaaring pondohan ng Kongreso ang isang oil importation agreement sa Russia sa katwirang ang Philippine government ay hindi naman nag-iimport ng mga raw materials para gawing finished petroleum products.

Ayon kay Pimentel ang government-to-government purchase ng murang langis sa Russia o sa iba pang bansa ay hindi magagawa dahil walang mekanismo ang Pilipinas na mag-iimport ng crude oil.

“Assuming we buy the oil, what will we do with it? We certainly can’t refine it because the government does not own a refinery, and storage alone will cost us money. If the Russians want to sell their oil, they should make the offer to Petron Corp., not to the Philippine government. If the government wants to pursue the oil supply deal, it should include Petron Corporation in the discussion considering the crude oil’s compatibility in the company’s refinery”paliwanag ni Pimentel.

Sa naging pulong ni President elect Bongbong Marcos kay Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov sinabi nito na handa ang Russia na tulungan ang Pilipinas sa supply nito ng produktong petrolyo.

Sa panig ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte iginiit nito na dapat nang maglagay ng national strategic petroleum reserve (SPR) nag Pilipinas upang hindi lubhang naapektuhan kung nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

“this SPR plan should be put in motion in preparation for future conflicts, supply hitches or any other geopolitical developments or catastrophes that could drive fuel prices to later go up north anew beyond the reach of ordinary Filipinos” ani Villafuerte.

Ang panukala para sa SPR ay nakabinbin sa DOE. Gail Mendoza