Direk Bobet, may pasabog laban sa It’s Showtime, Kim Chiu, nadamay?

Direk Bobet, may pasabog laban sa It’s Showtime, Kim Chiu, nadamay?

October 14, 2021 @ 1:45 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa isang interview ni Bobet Vidanes, sinabi niya na ang isa sa mga dahilan ng pag-alis niya sa It’s Showtime bilang direktor ay dahil may mga nagli-lead na sa kanilang noontime show, na dapat ay siya lang ang leader since siya ang direktor.

Hindi nagbanggit si Direk Bobet ng pangalan kung sino ang sinasabi niyang mga nagli-lead bukod sa kanya.

Isa pang ibinulgar ni Direk Bobet, ay may idinagdag na host sa It’s Showtime na hindi man lang siya sinabihan o in-inform bilang siya nga ang direktor nito. Nalaman na lang  niya na during the show ay may bibigyan ng bouquet of flowers bilang pag-welcome rito bilang additional host ng It’s Showtime. Feeling niya ay na-bypass siya.

Hindi rin binanggit ni Direk Bobet kung sino ‘yung additional host. Pero siguradong si Kim Chiu ang tinutukoy niya. Ang girlfriend kasi ni Xian Lim ang bagong dagdag na host sa It’s Showtime, ‘di ba?

Ano kaya ang magiging sagot ng host ng It’s Showtime at ng production staff nito sa rebelasyon ni Direk Bobet? Siguradong si Vice Ganda ay magbibigay ng reaksyon tungkol dito. Knowing him, ‘di ba?

Pero dapat lang naman na ibigay din nila ang panig nila at hindi ‘yung panig lang ni Direk Bobet ang narinig o nalalaman ng publiko, ‘di ba?

Magsalita na rin sila dapat sa isyung ibinato sa kanila ni Direk Bobet.  Ipagtanggol nila ang kanilang sarili. Rommel Placente


  •  
  •  
  •