Direk Cathy, unaasang babalik sa Dos sina Lloydie at Bea!

Direk Cathy, unaasang babalik sa Dos sina Lloydie at Bea!

July 6, 2021 @ 8:45 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Paniniguro noon ni direk Cathy Garcia-Molina, hangga’t nasa Star Cinema pa raw sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay walang dahilan para hindi ituloy ang reunion movie ng dalawa.

“No Goodbyes” ang pamagat ng nasabing Lloydie-Bea movie.

Pero ngayong tuluyan nang kumalas ang screen loveteam sa ABS-CBN at Star Cinema, ayon sa lady director ay tuloy pa rin ang project, hindi na nga lang siya ang magdidirek.

Nang tanungin kung may sama ba siya ng loob sa dalawa dahil sa kanilang paglipat ay mukhang sinsero naman ang naging tugon nito, “Wala po. I respect their choices.”

Tila hindi pa rin humuhulagpos ang pag-asa ni direk Cathy na babalik din sina John Lloyd at Bea sa kanilang pinanggalingan, “Hindi naman pang-forever ‘yan.”. Pero siyempre’y may lamat (crack) na.

Pabirong sagot ng direktor, “May glue naman.” Ronnie Carrasco III