Direk Dan at Antonette, isinusulong ang decriminalization ng cybersex!

Direk Dan at Antonette, isinusulong ang decriminalization ng cybersex!

July 9, 2022 @ 11:36 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Very vocal si Direk Dan Villegas sa kanyang sinusulong na i-decriminalize ang cybersex at ang trabaho ng mga sex workers sa bansa.

In light with the movie he produced kasama ang kanyang real-life partner na si Direk Antonette Jadaune na Kitty K7, sinabi niya sa private screening ng nasabing movie ang kanyang saloobin.

“I personally support sex workers and their job to be decriminalized. Sa Amsterdam nga, legal ang mga sex workers and they even pay taxes to help the government,” sabi ni Direk Dan.

Suportado ni direk Antonette si direk Dan sa kanyang pananaw tungkol sa decriminalization ng mga sex workers.

Sinabi pa ni direk Dan na kung sakaling magkakaroon sila ng anak ni direk Antonette at maging sex worker ay suportado nila ito as long as ‘yung perang kinikita ng kanilang anak ay hindi galing sa nakaw.

Marami ang nagulat sa pananaw ng dalawang direktor ngunit nirerespeto naman ng mga media at observers ang kanilang opinions.

Ang pelikulang Kitty K7 ay tungkol sa plight ng isang cybersex worker na pinagbihidahan ni Rose Van Ginkel, na mas pinili ang pagtatrabaho online kesa sa lovelife. Ang kanyang screen partner naman ay si Marco Gallo who opt to become her regular client online.

The movie is based from the life of a real sex worker na si Salome Salvi.

“I’m so overwhelmed! It’s really important that my work and ‘yung humanity ng sex workers was represented fairly. And I feel, like, parang ‘yun ang pinaka na-communicate ng film sa akin na, ‘Yes, we are human,'” sabi ni Salome.

Gusto rin ni Salome na i-decriminalize ang mga trabaho ng sex workers and in fact, member siya ng Philippine Sex Workers Collective, at gaya nina direk Dan and Antonette, ang decriminalization ng kanilang hanapbuhay ang isinusulong nila.

“It’s really important to me that ‘yun ang naging goal ng film, to push for the decriminalization of sex work that we’re pushing for talaga, especially the organization I’m in.

“I belong to the Philippine Sex Workers Collective and activist groups formed by sex workers. ‘Yun talaga ang goal, decriminalization,” sabi pa niya.

Sa Pilipines, illegal at hinuhuli ang mga sex workers pati na ang mga cam girls.

Maayos naman na nailahad ng direktor na si Joy Aquino ang istorya ni Salome sa pelikula.

Mapapanood ang Kitty K7 sa Vivamax via online streaming. JP Ignacio