Direk Darry, palaban, tinawag na sinungaling sina direk Joel at Cherry Pie!

Direk Darry, palaban, tinawag na sinungaling sina direk Joel at Cherry Pie!

February 21, 2023 @ 4:21 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Partikular na pinuntirya ni Darryl Yap si Cherry Pie Picache at kapwa direktor na si Joel Lamangan sa kanyang huling hanash kaugnay ng magkatapat nilang pelikula.

Si Cherry Pie ang pangunahing bida sa pelikula ni direk Joel na Oras de Peligro.

Ang kay direk Darryl naman ay Martyr or Murderer.

Sa pagkakataong ito’y mas palaban na si Darryl na tinawag sina Cherry Pie at direk Joel na mga sinungaling.

Una niyang pinakadiinan ay ang hindi niya pagtapat sa ODP gaya ng pinalalabas ni Joel.

“Kayo ang tumapat sa amin!” aniya.

Binanggit pa niyang kinunsidera niya ang operasyon ni Joel nitong Disyembre bilang rason para palampasin na lang ang mga sinasabi nito laban sa kanya.

Ani Darryl, hindi raw matanggap ni Joel na ang isang bagitong direktor ang tatapat sa kanya.

Iginiit pa niyang paano raw maniniwala ang mga manonood sa dinanas nila noong Martial Law kung nagsisinungaling sila?

Consistent pa si Darryl sa pagsasabi na para i-promote ang kanilang MoM ay never nilang kinaladkad ang ODP ni Joel.

Tungkol naman kay Cherry Pie ay malaman ang patutsada ni Darryl.

Aniya, pinanood niya ang pelikulang Tanging Yaman kung saan kabilang sa cast ang aktres dahil nahuhusayan siya sa pagganap nito.

Asawa ni Edu Manzano ang papel ng aktres doon, “Ang kaibahan nga lang, hindi siya iniwanan ni Edu sa movie.”

Ang patutsada niya kay Cherry Pie ay may kinalaman sa pahayag nito kung may kunsensiya ba siya.

Tumanggi ring makatrabaho ng aktres si Darryl in the future.

Pero ang pinakamatinding salitang pinakawalan ni Darryl kina Joel at Cherry Pie ay ang payo niyang maging marangal sa kanilang trabaho sa mga huling ilalagi nila sa mundo.

Nilinaw pa ni Darryl na huwag daw i-malign ang kanyang mga boss dahil mula sa malinis na pera ang ipinrodyus ng MoM.

Isa sa mga boss na tinukoy niya ay si Senator Imee Marcos na ang gumaganap sa kanyang karakter ay si Eula Valdez. Ronnie Carrasco III