Direk Darryl, may death threat, nagbenta ng sasakyan!

Direk Darryl, may death threat, nagbenta ng sasakyan!

February 25, 2023 @ 11:38 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Isang araw makaraang makapanayam ni Cristy Fermin si direk Joel Lamangan sa kanyang teleradio program ay sumalang naman si direk Darryl Yap nitong February 24, Biyernes.

Inamin ni Darryl na aware siya sa naging interview ni Joel pero sinadya niyang hindi ito panoorin.

‘Yun daw ay para hindi magmukhang scripted o pinaghandaan ang anumang reaksyon niya sa mga pinakawalang pahayag ng kaalitang kapwa direktor.

Pinalinaw ni Cristy ang naunang sinabi ni Darryl na ang tanda-tanda na raw ni Joel ay sinungaling pa.

Bagama’t tinanggap ni Joel ang katotohanang matanda na siya, hindi itinago nito na nasaktan siya.

Ani Darryl, nanggaling daw ang pahayag niyang ‘yon mula sa kanyang puso.

Dagdag niya, “Basta ang alam ko, hindi nagsisinungaling ang mas bata.”

Resbak ‘yon sa pahayag ni Joel na sinungaling ang mas nakababatang direktor.

Pinasagot din ni Cristy kay Darryl ang sinabi ni Joel na paano raw niya ilalahad sa pelikulang Martyr or Murderer ang totoong kuwento ng mga kaganapan noon samantalang hindi pa siya ipinapanganak noong mga panahong ‘yon.

Sarkastikong buwelta ni Darryl, “Hindi ko kinakailangang ipanganak noong March 16, 1521 para hindi ko malaman na si Magellan ang naka-discover ng Pilipinas. Nagbabasa rin po ako ng Bibliya, ang mga sumulat naman nu’n ay hindi ang mga taong isinilang bago ang mga nangyari doon.”

Mariin ding kinontra ni Darryl ang pahayag ni Joel na nadidiktahan lang daw siya ng mga tao sa paligid niya.

Wala raw nagsusulsol sa kanya.

Isang malaking insulto raw sa kanyang pang- unawa at talino ang magpadala sa mga sulsol.

Nagiging sensitibo lang daw si Darryl pag ang mga binibira ay mga boss niya pati na rin ang mga artistang involved sa pelikula.

“Since malaki ang following ko, isinasaboses ko lang ang mga nasa isip nila. Kinakanti kasi nila ako,” giit pa ng kontrobersyal na direktor.

In fairness, may human side naman sa panayam na ‘yon kay Darryl.

Sa gitna ng word war nila ni Joel, inaalala pa rin nito ang health condition ng batikang direktor.

Samantala, dahil sa mga natatanggap na banta sa kanyang buhay ay napilitan si Darryl na ibenta ang kanyang mga sasakyan at mag- maintain na lang ng isa para iwas pansin. Ronnie Carrasco III