Direk Darryl, may patama sa number ng followers ni Direk Joel!

Direk Darryl, may patama sa number ng followers ni Direk Joel!

February 10, 2023 @ 10:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines- Finally, inilabas na ang official trailer ng pelikulang Martyr or Murderer ni Direk Darryl Yap under Viva Films.

Ipapalabas ang pelikula sa March 1, 2023 na kasabay din ng pelikula ni direk Joel Lamangan na Oras de Peligro.

Any comment sa tapatan ng kanilang pelikula?

“I was advised by my lawyers not to talk about people with less than one million followers. I rather not comment. Kapag po one million followers, I’ll comment na,” sagot ni direk Darryl na hindi malaman kung nagbibiro o hindi.

Sa totoo lang ay laging trending ngayon si direk Darryl dahil sa kanyang palaban at witty na mga sagot sa mga katanungan ng reporters.

Again, any comment sa kanyang kasikatan considering na halos limang taon pa lang siyang nagdi-direk sa industriya?

“Nagsasabi kasi ako lagi ng katotohanan. Hindi ko kailangang pababain ang sarili ko para pag-usapan ako, hindi ako kailangang mag-masturbate sa video para maging sikat.

“Hindi nalalaos ang katotohanan at ito ay laging pinag-uusapan. Hanggang nagiging totoo ako sa sarili ko, e, ýun siguro ang dahilan kung bakit lagi akong nagte-trending.

“Ako naman, nakikihingi lang ako ng kasikatan sa mga artista ko, kasi hindi ako makakagawa ng movie kung hindi nag-oo sa akin ang mga artista,”sabi niya.

Ang laman ng pelikulang Martyr or Murderer ay ang reaksyon ng Marcoses sa mga nangyari at sa mga nasulat sa history.

Sabi pa ni direk Darryl, it’s up to the Filipinos to uncover who is the martyr and who is the murderer kapag napanood nila ang pelikula.

Wait, did direk Darryl consider consulting the Aquinos sa kanilang side of the story?

“They didnt pay me to do so. I dont think they need a young war freak director to tell theír stories. I’m just here to tell the stories of Marcoses.” JP Ignacio