Direk Darryl, tinanggihan ang biopic ni Digong!

Direk Darryl, tinanggihan ang biopic ni Digong!

March 2, 2023 @ 5:50 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Tinaga ni direk Darryl Yap sa bato na magpapahinga raw muna siya pagkatapos ng gawin ang Part 3 ng Marcos movie.

Nauna na nga ang Maid in Malacañang na sinundan ng Martyr or Murderer at isusunod na niya ang ikatlong installment na Mabuhay Aloha Mabuhay.

Pagkatapos daw nito’y pahinga muna siya sa paggawa ng mga pelikulang may pulitika ang tema.

Katwiran ng kontrobersyal na director, “It’s draining my energy. It’s stressing me out.”

Proof na nais daw muna niyang lumihis sa mga political films ay ang pagtanggi niyang gumawa ng pelikulang tumatalakay naman sa buhay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

May mga nag-aalok nga raw but he promised himself he’d slow down doing films tulad ng MIM, MoM and soon MaM.

Sa halip daw ay gusto niyang ipursige ang paggawa ng pelikula tungkol sa buhay ng dating ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.

Kung bakit si Charo ang choice niya ay dahil hindi raw matatawaran ang mga achievements nito na inilarawan niyang “far beyond compare.”

Maganda rin daw gawan ng kuwento ang siyang nagkukuwento.

Ilang dekada din kasing naging tagapaghatid ng mga natatanging kuwento ng buhay si Charo sa programang Maalaalala Mo Kaya.

“She’s not only a beautiful woman but also a good person,” papuri ni Darryl kay Charo.

Okey raw sa kanya kung si Kathryn Bernardo o Judy Ann Santos ang gumanap bilang young Charo.

Samantala, looking forward din si Darryl na maidirek muli si Sharon Cuneta who he first had a chance to work with in Revirginized.

Balita kasing may gagawing movie ang Megastar na The Mango Bride na pinarangalan ng Palanca. Ronnie Carrasco III