Direk GB, piniga si Denise!

Direk GB, piniga si Denise!

October 19, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – ibang klase ang role ng Vivamax sexy star na si Denise Esteban sa Kara Krus dahil for the first time ay ginampanan niya ang isang psychotic dual role na character na aminado siyang nalito pero naitawid naman niya ng maayos. Dalawang role na in contrast ang character ang ginampanan ni Denise sa movie.

Mabuti na lang at hindi nahirapan si Direk GB Sampedro kay Denise kahit na sinabi niyang piniga niya ang aktres sa nasabing pelikula.

“Denise is a raw talent and alam ko na marami pa siyang pouwedeng ilabas pero sa character na dito sa movie, ‘yung split type na character, sigurado akong mapapansin siya dito.

“Yes, piniga ko siya dito para lumabas ang kanyang galing sa acting and nagawa naman niya nang maayos,” sabi ni Direk.

Sinabi rin naman ni Denise na talagang na-challenge siya sa kanyang role kaya naman pinaghandaan niya ang project. Kumuha rin siya ng advice sa ilang mga senior sa showbiz para mabigyan siya nv idea kung paano atakihin ang role.

“Yes, nag-workshop ako in preparation for this project. And lagi akong nagtatanong sa mga senior sa akin kung paano ko gagawin ‘yung role. Even si Direk, talagang hindi niya ako pinabayaan and ‘yung guidance niya sa akin, tuloy-tuloy kaya in a way, e, marami rin akong natutunan,” sabi pa ni Denise.

Kasama rin ni Denise sa Kara Krus sina Adrian Alandy and Ali Asistio, streaming soon sa Vivamax. JP Ignacio