Direk GB Sampedro, may patama sa mga pari!

Direk GB Sampedro, may patama sa mga pari!

July 14, 2022 @ 7:01 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Maingay ang pelikula ni direk GB Sampedro na Purificacion dahil tungkol ito sa character ng isang pari na dark and shady.

Ngayon pa lang ay sinasabi na siguradong maba-bash ito ng mga netizens na sagradong katoliko at malaki ang pagrespeto sa kaparian.

Ang pelikula ay isang sexy thriller tungkol sa isang pari na pinagbibintangang may kinalaman sa pagkawala ng mga kababaihan.

Bukod dito ay nagkaroon pa ng relsyon ang character ng pari sa isang babaing pulis.

“I just want to take note na fiction ang Purifocacion. Wala naman itong pinagbasehan sa tunay na buhay pero handa naman tayong i-justify ang movie sa mga bashers.

“Lumaki ako sa simbahang katoliko at malaki ang respeto ko sa mga pari. Nagtanong-tanong din ako at nag-research tungkol sa mga kaparian nu’ng ginawa namin ang pelikula,” sabi ni direk GB.

Si Josef Elizalde, na dating taga-PBB ang magbibigay-buhay sa character ng pari at makaka-partner niya rito ang Vivamax sexy star na si Cara Gonzales. Kasama rin sa movie sina Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz, at Quinn Carrillo.

Streaming na ang movie ng Viva Films sa Vivamax starting August 5, 2022. JP Ignacio