Direk GB Sampedro, tinawag na bastos at mahilig sa bold!

Direk GB Sampedro, tinawag na bastos at mahilig sa bold!

August 4, 2022 @ 7:58 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Nasa hot seat ngayon ang multi-awarded director na si GB Sampedro dahil sa kanyang pelikulang Purificacion, isang sexy thriller tungkol sa isang pari na may maamong mukha at mabuting pagkatao ngunit may madilim na sikreto. Bukod dito ay pinag-uusapan din ang poster ng pelikula kung saan nasa gitna ang aktor na si Josef Elizalde, na gumaganap bilang si Fr. Ricardo Purficacion, nakasuot ng pampari at pinapagitnaan ng anim na tsiks na sexy lingerie.

Aminado naman si direk GB na inuulan siya ngayon ng batikos mula sa mga netizen.

“Halos araw-araw, e, nakakatanggap ako ng bash, sa halos lahat ng mga socmed accounts ko, pero hindi ko na kang pinapansin. Dedma na lang,” sabi ni direk.

Depensa pa ni direk GB ay trabaho lang daw ang kanyang ginagawa kaya hindi raw ito dapat masamain ng mga netizen.

Binanggit din ni direk GB ang ilan sa mga malalang batikos na nakuha niya sa mga basher.

“Sinabihan nila akong bastos at mahilig sa bold. Hindi na lang ako sumasagot and I am trying my best na hindi magpa-apekto,” pahabol pa ni direk GB.

Kadalasan ay malaking usapin talaga kapag ang tema ng pelikula ay tungkol sa isang pari o madre. Kaya naman inihanda na rin ni direk GB ang sarili pati ang mindset ng cast sa mga bash na kanilang matatanggap dahil sa tema ng pelikula na very sensitive.

Kasama rin sa pelikulang Purificacion sina Cara Gonzales, Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz, at Quinn Carrillo. Streaming na ang movie on August 5, 2022, sa Vivamax. JP Ignacio