Direk Joel, beastmode; Maid in Malacanang ni Darryl, tatapatan!

Direk Joel, beastmode; Maid in Malacanang ni Darryl, tatapatan!

July 22, 2022 @ 12:25 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Obyus na dismayado si direk Joel Lamangan sa pagkakaroon ng pelikulang may kaugnayan sa mga Marcos.

Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi ang Maid in Malacanang sa direksyon ni Darryl Yap.

May quote card na lumabas sa social media attributed to direk Joel.

Bahagi ng quotation ay, “Gumawa sila ng pelikulang ka….han. Anong drama ‘yon. Hindi kami titigil. Gagawa rin ako ng pelikula laban dito.”

Ang MIM ay tumatalakay sa last 72 oras bago lumipad patungong Hawaii ang pamilya Marcos sa kasagsagan ng People Power Revolution.

Ang bersyon naman daw ng kay direk Joel ay mula sa punto de vista ng taumbayan.

Isang netizen na nagpost ng quotation card ang sumang-ayon sa nasabing direktor na kilalang anti-Marcos.

Dapat daw imulat sa kabataan ang totoong kasaysayan.

Minsan nang nilinaw ni direk Darryl na hindi isang Marcos movie ang MIM.

As for direk Joel, marami na siyang dinirek na pelikula sa bakuran ng Viva na siya ring nagprodyus ng MIM.

May ptoducer kayang willing mamuhunan sa pelikula ni direk Joel bilang sagot sa MIM?

Samantala, nag-react naman ang official fan site ni Kris Aquino na Kris Aquino World

sa Cory scene ng official trailer ng MIM.

The official fan site of Kris took to Twitter to post a page off the book People Power: An Eyewitness History.

Sa trailer kasi ay may eksena involving a woman in yellow telling a person on the phone to get the Marcoses out of the Philippines. Marami ang naniniwala na ang character na ‘yun ay si dating Pres. Corazon Aquino.

“For your information…

“On Tuesday evening, I was with Cory in the home of her sister, Josephine Reyes. There Cory received the phone call from US Ambassador Bosworth, telling her that Marcos was ready to leave but was asking to stay for at least two days in Paoay, his home in the North,” sabi sa tweet, na hango sa sinulat ni former Supreme Court Associate Justice Cecilia Muñoz Palma.

“Cory’s initial reaction was: ‘Poor man, let us give him two days.’ But we did not agree with that idea. We thought that given the chance, Marcos may regroup his forces or extend his stay indefinitely,” sabi pa sa tweet.

Sinabi pa raw ni Palma na tinawagan ni former president si Bosworth to say that she could not grant the request.

“When Ambassador Bosworth called her back, it was to say that Marcos had left. Cool as always, Cory turned to us after she put the phone down. She said simply: ‘Marcos has left.’ She said it as if was the most ordinary thing. We all shouted jubilantly. Cory did not.” Ronnie Carrasco III