Direk Joel, inoperahan sa puso, tengga hanggang next year!

Direk Joel, inoperahan sa puso, tengga hanggang next year!

December 5, 2022 @ 9:25 AM 2 months ago


Manila, Philippines – It’s resting period for director Joel Lamangan.

Eksaktong a-uno kasi nitong December ay naka-confine na siya sa Makati Medical Center.

As per his doctor’s advice, sasailalim siya sa heart bypass operation ngayong December 5, Lunes.

Hindi ito ang unang beses na naoperahan ang multi-awarded film director.

Taong 2015 sa kalagitnaan ng pagdidirek niya ng film bio ni Felix Manalo ng INC na binigyang-buhay ni Dennis Trillo ay sumailalim na sa heart bypass surgery ang direktor.

Back then, pinayuhan na siyang maghinay-hinay sa trabaho.

But knowing Joel, he turned a deaf ear.

Katulad na lang ngayon, bukod sa may pelikula siyang kalahok sa Metro Manila Film Festival this year, nakatapos pa siya ng dalawa pa.

Meron pa sana siyang ididirek bago matapos ang taon, pero imposible na niya itong matutukan.

Imposible rin ang pagsali ni Joel sa idaraos na MMFF parade at awards night.

Payo ng kanyang doktor, he has to slow down on work for at least two months after the surgery.

Which means sa February 2023 pa siya maaaring sumabak uli sa trabaho.

Tsika nga ni direk Joel nang tawagan ng PEP while being confined, humihingi ito ng panalangin na sana’y maging matagumpay ang kanyang operasyon.

Naroon din ang pag-alala ni direk Joel sa milyun-milyong panggastos sa ospital.

Ang kanyang long-time partner na si Jim Pebangco na laging isinasama niya sa kanyang mga pelikula ang nagsisilbing bantay niya sa naturang private hospital.

Our get-well-soon wish for you, direk! Ronnie Carrasco III