Direk Joel, nakalabas na sa ospital!

Direk Joel, nakalabas na sa ospital!

December 14, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – “Finally, we’re going home!”

Ito ang bahagi ng ipinost ni Jim Pebangco sa kanyang social media account patungkol sa paglabas ni direk Joel Lamangan sa Makati Medical Center, gabi nitong December 13.

Si Jim ang long-time partner ng batikang direktor at nagsilbi ring matiyagang tagapagbantay nito.

Direk Joel was confined at the MMC para sa isinagawang triple heart bypass.

December 5 ang scheduled surgery niya, na ayon kay Jim ay matagumpay.

Bago rito’y nag-aalala ang direktor sa milyones daw niyang babayaran sa ospital.

Pero sa karugtong na post ni Jim, kabilang sa mga pinasalamatan niya ay ang magkapatid na sina Harlene at Herbert Bautista at si Sharon Cuneta na “nagdugtong ng kanilang pisi.”

Taong 2016 nang unang ma-heart bypass si direk Joel, about the same time he was doing the biopic Felix Manalo of INC na ginampanan ni Dennis Trillo.

As per doctor’s advice, hanggang February 2023 kailangang magpahinga ang direktor at huwag munang sumabak uli sa trabaho.

May idinirek si Joel na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, ang My Father, Myself.

R-18 ang iginawad ng MTRCB rito dahil sa pagiging sensitibo ng tema.

Tinanggap naman ni Joel ang kanyang pagkatalo nang depensahan at ipaglaban niya ang R-16. Ronnie Carrasco III