Direk Joel, olats sa board ng MTRCB!

Direk Joel, olats sa board ng MTRCB!

December 1, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ang movie entry ni Direk Joel Lamangan sa MMFF na My Father, Myself, ay nabigyan ng MTRCB (Movie and Television Reviews and Classification Board) ng R-18 ratings. Kaya hindi ito mapapanood sa lahat ng SM Cinemas na matagal nang patakaran ng SM Group.

Natural lang na malungkot ang buong production team lalo na ang producer dahil malaking bagay talaga ang SM Cinemas nationwide sa magiging gross ng pelikula.

Inilaban ni Direk Joel na maging R-16 ang rating ng kanyang entry.

“Sa MTRCB nang pinanood nila, ang tingin nila ay napakaganda ng pelikula pero napakadelikado ng tema,” pahayag ni direk Joel.

“Napakadelikado ng tema, nagpakita ako ng love scenes ng bakla, delikado raw ang tema. Sa kanilang persepsyon, `yon ang pang-adult. Sa persepsyon ko, ‘yun ay pang-hindi gaanong adult, R-16.

“Siyempre, inilaban ko. Nagtalaktakan kaming lahat, Sa kahuli-hulihan, siyempre, talo ako. Sila ang nanalo. Umuwi akong talo,” say ni Direk.

Hindi nakalusot si Direk sa kanyang pagpapaliwanag kaya tinanggap na lang niya ang desisyon ng MTRCB at naintindihan naman daw niya ang stand ng board.

Tinanggap ng maluwag ng mabait na producer na si Len Carillo ang naging desisyon ng MTRCB at bilang respeto na rin niya sa board. Gerry Ocampo