Direk Joel, wapakels kay Direk Darryl!

Direk Joel, wapakels kay Direk Darryl!

January 31, 2023 @ 10:27 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Back to work na si direk Joel Lamangan.

Ito’y sa kabila ng advice daw ng kanyang doktor na kailangan niyang magpahinga nang dalawang buwan matapos ang kanyang heart bypass operation noong December last year.

Aniya, he needs to walk and be back in his routine.

Kung ‘yun nga raw buntis na nanganganak by caesarian section ay puwede nang maglakad after one day, siya pa kaya?

Exciting nga ang pagsalubong sa pagbabalik-trabaho ng 68 anyos na direktor.

Sa unang Martes ng March ay ipalalabas ang historical film niyang Oras de Peligro.

What adds to the excitement ay ang balitang tatapatan daw ito ng Martyr or Murderer na pelikula naman ni Darryl Yap.

Ang tsika, mismong si Darryl daw ang nag-request sa kanyang producer na tiyaking magsasalpukan ang mga pelikula nila ni direk Joel.

Ito’y para raw magkaalaman kung sino raw sa kanilang dalawa ang tunay na box office director.

Ang MoM ay sequel ng box office hit na Maid in Malacañang.

But direk Joel seems unfazed by the head-on collision at the tills.

Nakapanayam nga si direk Joel nang um-attend kamakailan ng birthday lunch ng isang reporter na malapit sa kanya.

Aniya, wala raw siyang pakialam kung tatapatan ang pelikula niya, “Kahit tumabi pa sila!”

Ipinagmamalaki niya na, “Totoo ang pelikula ko!”

Ang pananapat ni direk Darryl ay sinasabing salungat sa pahayag niya noon na mataas ang respeto niya kay direk Joel na ‘di hamak na mas senior sa kanya.

Between the two political films, alin kaya ang mas tatangkilikin Juan de la Cruz? Ronnie Carrasco III