Direk Paul, binastos daw si PBBM, na-bash!

Direk Paul, binastos daw si PBBM, na-bash!

August 15, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Walang respeto, salat sa manners.

Ito ang inabot na pamba-bash ng mga netizens kay direk Paul Soriano na hindi man lang nagtanggal ng suot na cap habang ka-dinner si Pangulong Bongbong Marcos.

Si Direk Paul ang mister ni Toni Gonzaga na kasama rin sa dinner.

Ninong nina direk Paul at Toni sa kasal si BBM.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang ‘di paghubad ni direk Paul ng kanyang cap gayong basic naman na kailangang tanggalin ito.

Katwiran ng mga netizen, regardless daw kung sino ang kaharap ni direk Paul, kawalan ng manners ang ginawa niya.

May nagtanong tuloy kung kalbo raw ba ang mister ni Toni.

Hindi naman daw, pero marami na raw puting buhok ito.

Despuwes, madali lang daw solusyunan ‘yon…eh ‘di mag-dye!

Hindi rin nakaligtas si Toni sa bashing na para bang collateral damage siya.

Sa porma raw ng host-actress ay malayo ang mararating nito lalo’t identified kay BBM.

Ang lagay niyan, cap lang ni direk Paul ang pinag-uusapan pero napunta na sa ambisyon ni Toni! Ronnie Carrasco III