Direktor, nag-back-out kay Herlene?

Direktor, nag-back-out kay Herlene?

September 29, 2022 @ 10:53 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Isang mahalagang requirement sa aabangang drama series ni Herlene Budol sa GMA ay kailangang matangkad ang kapareha nito.

Matangkad kasi ang binansagang Hipon Girl.

Bale ba, dalawa ang kanyang leading men dito.

Ang isa ay si Benjamin Alves, samantalang naghahanap pa ng isa.

Ang nakapagtataka, sa rami ng mga leading man material sa GMA ay hindi pa sila makapili ng isa pa.

Kailangan na ring umpisahan ang taping nito bago tumulak si Herlene sa Uganda to compete in the 2nd Miss Planet International.

Kumakalat tuloy ang balitang inayawan daw ng isang direktor si Herlene for some reaaon.

Pero napag-alaman ng Remate Online na abala ang naturang direktor sa naunang proyektong natanguan nito.

Finally, balitang si Jorron Monroy will helm the project.

Acid test ito para kay Herlene kung kaya ba niyang magdala ng show.

Pero inihahanda na raw niya ang kanyang sarili laban sa mga bashers na magsasabing isa lang siyang fad.

Sige patunayan mo, Herlene, na hindi! Ronnie Carrasco III