Dirty talk sa sex mas nakaka-turn on

Dirty talk sa sex mas nakaka-turn on

November 8, 2018 @ 7:10 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – “Huwag lang puro salita, dapat may gawa.”

Ito ang isa sa mga sikat na linya sa atin pero pagdating sa pakikipagtalik o sex, dapat bang puro gawa na lang? Siyempre, hindi. Pero bakit nga ba marami pa rin ang naiilang na magsalita habang nakikipagtalik? Ano ba ang dapat sabihin? Paano ba ito gawin?

May ilan na tinatawag itong erotic art dahil nga ilan lang daw ang may kayang gawin ito nang hindi naiilang lalo na yung may mga bedroom voice. Tiyak na magiging maganda ang laban sa kama.

Kung tutuusin hindi naman ito mahirap dahil kailangan mo lang talagang maging komportable dito.Hindi mo na kailangan pang maging porn star para lang ma-turn on ninyo ang isa’t isa sa mga salita. Simple lang, narito ang ilang tips:

  1. Dahan-dahan lang

Umpisahan mo sa mga simpleng compliment. Lalo na sa pagsabi kung ano ang nagustuhan mo sa kanya o sa katawan niya. Sundan mo ng mga bagay na gustong-gusto mong ginagawa niya na nakaka-turn on para sa’yo.

  1. Anong gusto mong gawin?

Huwag kang matakot na sabihin kung anong gusto mong gawin niya o ang gagawin mo sa kanya. Pero huwag ka naman maging parang announcer o host sa mga laro sa liga na babanggitin lahat ng galaw ng manlalaro sa bola. Ulitin natin, “dahan-dahan” lang.

  1. Huwag gumaya sa porn

Matututo ka ng mga erotic na salita sa porn pero huwag din masyadong gayahin lalo na kapag mga harsh na ang mga salita at nagiging wild na. Baka magmukha pang scripted at masyadong cheesy. Nakaka-turn off ‘yun para sa iba. Mas maganda kung alamin kung ano munang gusto ng inyong katalik. Tanungin sila kung gusto ng wild o simpleng sexy lang. Tanungin mo siya at i-engage sa dirty talk. Sa ganitong paraan hindi lang ikaw ang nagsasalita.

  1. Gawin din ito kahit wala kayo sa kama

Biruin mo nang may laman paminsan-minsan ang iyong partner, mapa-text man o tawag sa telepono, o kahit mga simpleng bulong kapag magkasama kayo. Mas mapa-practice ninyo kasi dito ang dirty talk para sa mga susunod ninyong bakbakan sa kama. Dahil rin dito, pwedeng maging komportable na kayo sa isa’t isa at mas i-level up ang dirty talk sa kama.

Ang dirty talk ay parang paglalagay ng spice sa pagkain. Mas nadadagdagan ang flavor, mas sumasarap at mas nagiging exciting. Baka sa susunod, araw-araw ka na niyang yayain.