Disaster Personnel Death Benefit Act, isinusulong sa Senado

Disaster Personnel Death Benefit Act, isinusulong sa Senado

September 30, 2022 @ 7:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador Mark Villar ang panukalang batas na magbibigay ng death benefits o benepisyo sa mga community disaster personnel na masasawi sa pagganap nito ng tungkulin.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1354 o Disaster Personnel Death Benefit Act, mabibigyan umano nito ng sapat na kompensasyon ang pamilya ng mga disaster personnel tulad ng rescuers na madidisgrasya habang ginagampanan ang tungkulin.

“In every disaster, the lives of our rescuers and volunteers will always be at risk. No amount of compensation will be ever sufficient for the families left behind in case of loss of life during the performance of their duties. The bravery and heroism of these selfless individuals should be duly recognized,” ani Villar.

Sakop umano nito ang lahat ng tauhan anuman ang employment status.

Napapanahon ang naturang panukala makaraang masawi ang limang rescuers sa San Miguel, Bulacan habang sila ay nasa serbisyo. RNT/JGC