DISASTER PLANNING, EMERGENCY PREPAREDNESS, KAILANGAN SA SCHOOLS   

DISASTER PLANNING, EMERGENCY PREPAREDNESS, KAILANGAN SA SCHOOLS   

September 22, 2022 @ 1:45 PM 2 weeks ago


TINATAWAG na ’emergency’ ang isang aksidente o’ natural event’ na kung hindi magagawan ng nararapat at mabilisang aksyon ay maaaring magdulot ng ‘single or multiple serious injuries’ at pagkasira ng mga ari-arian.

At dahil obligado na ang mga estudyante sa face-to-face classes, mas mainam kung napaghahandaan ng pamunuan ng eskuwelahan ang iba’t-ibang klase ng disaster at emergencies para sa proteksiyon ng mga estudyante, mga guro at staff. 

Maliban sa fire at earthquake situation, kailangang pag-usapan din ang mga preparasyon o plano sa iba pang emergencies tulad ng extreme weather condition (low pressure, typhoon), pagbaha, chemical spill, poisoning, collapse of a person, violence and aggression injuries, kidnapping, road  accident at iba pa.

Makatutulong ang komprehensibong paglalatag ng mga plano upang maging klaro para sa lahat ang mga

dapat at praktikal na gawin o ‘procedure in case of emergencies’ .

Sa pamamagitan nito, mapag-uusapan din ang mga ‘secondary hazard’ at panganib na maaaring suungin ng mga papasok at lalabas ng eskuwelahan. Tulad na lamang ng possible injuries dahil sa ‘flying objects’ dala ng malakas na hangin, pagkakaroon ng sunog, sakit sa balat, baga o atay dahil sa pagtagas ng kemikal, leptospirosis dahil sa baha at iba pa. 

Kapag maayos ang pagpaplano, maiiwasan ang paglala ng sitwasyon at mabibigyan din ng proteksiyon ang mga miyembro ng emergency response team.

Kinakailangan ding sumunod sa bawat duties and responsibilities ang sinoman na mabibigyan ng role sa bawat paghahanda.

At siyempre pa, kaakibat ng isang matagumpay na plano ang pagsasagawa ng training at drills, pagpapaskil ng ’emergency hotline and procedures’, pagsasaayos ng assembly point, updated contact sa internal resources, updated emergency hotline number ng barangay, police at fire station, communication line sa immediate family member ng affected individual, pagkakaroon ng mga kagamitan sa emergencies at iba pa.