Disaster Preparedness Forum para sa mga matatanda, isinagawa sa Navotas

Disaster Preparedness Forum para sa mga matatanda, isinagawa sa Navotas

July 18, 2018 @ 4:14 PM 5 years ago


 

Navotas City – Hinikayat ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang mga nakatatandang Navoteño (elderly) na matuto kung paano maging ligtas kapag may dumating na kalamidad.

Sa disaster preparedness forum na isinagawa ng Navotas Office of Senior Citizens’ Affairs (NOSCA) at ng United Bayanihan Foundation, Inc., sinabi ng alkalde na mahalagang maging handa sa anumang sakuna para maiwasan ang pagkataranta at maging ligtas sa kapahamakan.

Hinikayat ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga nakatatandang Navoteño na matuto kung paano maging ligtas kung sakaling may kalamidad. Sa isinagawang Disaster Preparedness forum ng Navotas Office of Senior Citizens’ Affairs at ng United Bayanihan Foundation, Inc kung saan nakaraang linggo, ay nagsagawa rin ang Navotas Local Disaster Risk Reduction Management Office ng seminar para sa 50 mangingisda para turuan silang maging handa sa mga sakuna, kabilang na ang bagyo o lindol. (Jojo Rabulan)

Matatandaan na noong nakaraang linggo, nagsagawa rin ang Navotas Local Disaster Risk Reduction Management Office ng seminar para sa 50 mangingisda para turuan silang maging handa sa mga sakuna, kabilang na ang bagyo o lindol.

Pinasalamatan naman ni Mayor Tiangco ang pamunuan ng OSCA at United Bayanihan Foundation Inc sa kanilang isinagawang pagtuturo sa kahandaan  sa kaligtasan sa mga matatanda  sakali may dumating na sakuna. (Roger Panizal)