Disaster response ng BARMM provinces kasado na

Disaster response ng BARMM provinces kasado na

February 26, 2021 @ 9:39 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

COTABATO CITY – Bubuo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng emergency operation centers (EOCs) sa bawat probinsya nito pantugon sa tuwing may sakuna.

Itatayo ang mga EOC sa pamamagitan ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidents (READi-BARMM), ayon kay Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in BARMM (MILG-BARMM).

Bukod sa itatayong EOC sa limang probinsya, lalagyan niya rin ang Cotabato maging ang 63 barangay sa North Cotabato na parte ng BARMM.

“The purpose is to deploy relief goods and store them in EOC warehouses to be ready before disaster strikes,” paliwanag ni Sinarimbo, na siya ring BARMM spokesperson.

Ang mga BARMM-READi personnel na tatao sa EOCs ay makikipagtulungan at ugnayan provincial disaster risk reduction and management offices para sa maayos na responde. RNT


  •  
  •  
  •