Disinformation tinalakay ni Robredo sa democracy forum ni Obama

Disinformation tinalakay ni Robredo sa democracy forum ni Obama

November 19, 2022 @ 2:17 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dumalo at nagsalita ang dating Bise Presidente na si Leni Robredo sa isinagawang inaugural democracy forum ng foundation ni dating US President Barrack Obama sa New York City.

Layunin ng forum na ito na magpalitan ng impormasyon upang mapanatiling buhay ang demokrasya ng mga bansa sa mundo.

“These democratic ideas are currently under assault around the world,” ani Obama.

“We see it in the backsliding that’s taking place in what were well established democracies. We see it in the escalating polarization and disinformation that’s so evident in recent elections, whether it’s in Brazil, the Philippines, Italy, Sweden, right here in the United States,” dagdag pa niya.

Kasama ni Robredo ay ang iba pang mga lider sa mundo na kabilang sa mga panelist sa diskusyon tungkol sa disinformation at pagprotekta sa demokrasya.

Ani Robredo, nagbabago ang paraan ng disinformation.

“It is not just pushing fake news or propaganda but it has evolved to the point that a separate public sphere has already been created such that it seems like there are two different separate almost incompatible information ecosystems that already destroyed common baseline of facts, which is very essential for discourse, for discussions, for accountability in the democracy,” aniya.

Bagama’t aminado na huli na siya sa laban ng kampanya sa social media, nakabuti sa paglaban kontra disinformation ang kanyang kampanya sa labas nito.

“We called it Tao sa Tao, Puso sa Puso. It means person to person, heart to heart so it was encouraging our supporters to go out of social media, try to talk to as many people who do not share your values, do not share your beliefs, and try to discuss in a very calm manner,” pagmamalaki ni Robredo.

“We have made a lot of breakthroughs but as I’ve said, time was too short and our campaign now is to continue those conversations.” RNT/JGC