Diskriminasyon vs transwoman sa BGC pinalagan ni Roman

Diskriminasyon vs transwoman sa BGC pinalagan ni Roman

October 22, 2022 @ 10:49 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinalagan ni Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman ang nangyaring diskriminasyon sa kapwa transwoman sa isang clothing store sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Kinilalang ang biktima ng diskriminasyon ay si Angela Marasigan, isang konsehala mula Batangas.

“Why (did) you have to make Angela feel disrespected?” tanong ni Roman sa staff ng isang clothing store, sa kanyang TikTok video.

Matatandaan na nitong Oktubre 19 ay ikinwento ni Marasigan sa isa ring TikTok video ang pagbabawal sa kanya ng isang sales attendant na magbihis sa changing room na nakalaan para sa mga babae.

“Ito ang dahilan kung bakit patuloy tayong naninindigan para sa pagkakapantay-pantay ng lahat anuman ang iyong pagkatao at sitwasyon sa buhay,” tanong ni Roman sa hiwalay naman na post sa Facebook.

“Babae, lalaki, bata, matanda, LGBT man o hindi, TAO tayong lahat,” dagdag niya. RNT/JGC