Diskusyon sa muling paggamit ng lumang VCM inihirit ng Inting

Diskusyon sa muling paggamit ng lumang VCM inihirit ng Inting

July 18, 2022 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Elections Commissioner Socorro Inting nitong Lunes sa pagtalakay kung akma bang gamitin muli ang vote counting machines (VCMs) na nagamit na sa mga nakaraang eleksyon.

Sa isang webinar ng Stratebase Institute, sinabi ni Inting na 97,345 sa 107,345 VCM units na ginamit sa Halalan 2022 ang nagamit na sa nakaraang dalawang eleksyon.

“I am not in any way prematurely deciding or influencing the policy direction of the Commission on en banc, but I think everyone will agree to a meticulous discussion and review about the propriety of using these VCMs for future elections,” aniya.

Nauna nang sinabi ng Commission on Elections na hindi na nito gagamitin ang lumang VCMs sa gitna ng mga naiuulat na pagpalya noong nagdaang Halalan 2022.

Samantala, inilahad din ni Inting na naapektuhan ang 1 porsyento ng mga ginamit na VCMs ng mga isyu ng paper jams, rejected ballots, scanner malfunctions, at inaccurate printing VCMs

“However, it will be unfair on the part of Comelec to be judged over such a minuscule figure or percentage of malfunctioning VCMs,” aniya.

“After all, the other side of the coin is the 99% of VCMs which properly functioned. Additionally, as to those that allegedly malfunctioned, rest assured that our field offices,” dagdag ni Inting.

Iginiit din niya na ang nagdaang eleksyon ay “generally successful” kahit na ito ay “far from perfect.” RNT/SA