Diskwalipikasyon ng ilang partylist groups, hirit ng mga raliyesta sa Comelec

Diskwalipikasyon ng ilang partylist groups, hirit ng mga raliyesta sa Comelec

June 27, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinalampag ng ilang grupo na kontra sa ilang partylist groups ang Commission on Elections upang idiskwalipika ang mga grupo na sinasabing sumusuporta sa mga komunista.

Kasama ang League of Parents of the Phils., Liga Independencia Pilipinas, at Makabayang Alyansa na nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng tanggapan ng Comelec.

Hirit nila na idiskwalipika at bawiin ang akreditasyon ng Kabataan, ACT Teachers, Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela na anila ay sumusuporta sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front of the Phils.

Giit ng kontra patrylist, may patunay na ang nabanggit na mga grupo ay nagsisilbing ‘fronts’ ng CPP-NPA-NDFP.

Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay may nauna nang petisyon para idiskwalipika ang mga nabanggit na partylist groups. Jocelyn Tabangcura-Domenden