Diskwalipikasyon vs kandidatong magbabayad ng “permit to campaign” sa NPA, ikakasa – DILG

Diskwalipikasyon vs kandidatong magbabayad ng “permit to campaign” sa NPA, ikakasa – DILG

October 12, 2021 @ 5:25 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Mahigpit na ibinabala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng kandidato sa 2022 national at local elections na tanggihang ang pagbabayad ng  extortion money sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Sa ganito kasing mga panahong naglipana ang pangingikil ng CPP-NPA sa mga kakandidato para sa tinatawag nilang “permit to campaign fees” para sa ligtas na pangangampanya sa mga malalayo at liblib na lugar.

Babala ni DILG Secretary Eduardo Año na sinomang kandidato na mapatutunayang nagbayad nito ay mahaharap sa diskwalpikasyon.

“Huwag po tayong magpaloko at matakot. Ang ibabayad n’yong extortion money sa mga komunista ay gagamitin din nila para makapaghasik ng terorismo sa bansa,” dagdag pa ng kalihim.

Sa ipinalabas na direktiba ni Año, inaatasan nito ang local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng kandidato sa pagpasok ng bawat lugar lalo na ang mga kinokonsedera na election hot spot.

“All local officials should steer clear of directly or indirectly giving financial, material and political support to the CPP-NPA since this is a clear violation of law. This is something that the DILG under my leadership will never tolerate,” dagdag pa ni Año.

“We must secure all candidates and political parties and ensure that they are given access to the electorate during the campaign period without intimidation and manipulation from communist terrorist groups,” saad pa sa atas ni Año.

 

Kaugnay nito sinabi naman ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na ang DILG ay nakatuon sa pagsasampa ng disqualification cases laban sa kandidato na mapapatunayang sumusuporta at nakikipagtulungan sa CPP/NPA/NDF.

“Supporting communist terrorist groups through financing or other means is an election offense and is sufficient to cause the disqualification of a candidate,” ayon kay Malaya.

“We will follow through on our words, those politicians who will be proven as accomplices of the CPP-NPA will face disqualification cases from the DILG,” giit pa niya. Santi Celario


  •  
  •  
  •