Dismissed PH envoy sa DFA: Kaso ‘di nahawakan nang maayos

Dismissed PH envoy sa DFA: Kaso ‘di nahawakan nang maayos

March 3, 2021 @ 6:51 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Phiilippines – Iginiit ni Philippine Ambassador to Brazil na nasibak sa serbisyo dahil sa pang-aabuso sa kasambahay na Pilipina na hindi hinawakan nang maayos ng  Department of Foreign Affairs ang imbestigasyon sa kanyang kaso.

Sa pahayag, sinabi ni former Ambassador Marichu Mauro na hindi pinasin ng DFA ang mga ebidensyang inilahad ng kanyang abogado.

“My case was even mishandled,” panig ng ex-envoy.

“The case was railroaded to the point that important pieces of evidence were deliberately not given due attention.”

Sinabi naman ng DFA na hindi na sila magsasalita sa anumang alegasyon ni Mauro sapagkat kinumpirma na ni Pangulong Duterte ang kanyang dismissal.

Nanindigan din si Mauro na ‘taken out of context’ ang video kung saan mapapanood na may pang-aabusong naganap sa kanyang 51-anyos na kasambahay.

“I wish the DFA [had] considered my kasambahay’s own statements putting context on our relationship and how we regard each other.”

“It was as if the intention was to make an example of me,” lahad pa nito.

Nakausap naman ng CNN Philippines ang nasabing kasambahay at nagbigay ng pahayag.

Minsan po konting ano lang konting bagay lang na ginagawa ko mabilis siya magalit. Lalo na ‘yung labahin sinampay ko na, ang iba di pa natuyo naiwan ko kaya nagagalit siya.”

Humingi po siya ng tawad, patawarin ko raw po siya hindi naman daw niya sinasadya magalit,” kwento pa nito.

Napatawad ko na po siya. Bago pa nag new year noon naka communicate din po siya sa akin.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •