Disney Director, sibak dahil sa mga malalaswang Twitter post

Disney Director, sibak dahil sa mga malalaswang Twitter post

July 21, 2018 @ 10:38 AM 4 years ago


Hollywood – Sinibak ng Disney ang isa nilang direktor at film maker na si James Gunn dahil sa mga naging post nito sa Twitter ilang taon na ang nakararaan.

Sa mga tweet kasi ng isa sa mga direktor ng sikat na movie na ‘Guardians of the Galaxy’ noong mga taong 2008 at 2011, may mga biro ito tungkol sa rape at pedophilia.

Sa inilabas na pahayag ng Disney, kinumpirma nito ang pagtanggal sa kanilang isa sa mga bigating direktor.

“The offensive attitudes and statements discovered on James’ Twitter feed are indefensible and inconsistent with our studio’s values, and we have severed our business relationship with him,” ayon kay Walt Disney Studios chairman Alan Horn.

Si Gunn ay isa sa mga kritiko ni US President Donald Trump dahilan para balikan siya ng mga supporters nito na silang nag-ungkat ng mga luma nitong post sa Twitter.

“Many people who have followed my career know when I started, I viewed myself as a provocateur, making movies and telling jokes that were outrageous and taboo,”  ayon kay Gunn sa kanyang Twitter kasunod ng paglabas ng kanyang mga lumang post.

“As I have discussed publicly many times, as I’ve developed as a person, so has my work and my humor.”

Sa ngayon ay binura na ng direktor ang kanyang account sa naturang social media site.

Bukod sa “Guardians of the Galaxy”, unang nakilala si Gunn bilang screenweiter ng mga sikat na Disney movie tulad ng The Specials (2000), Scooby-Doo (2002) at sequel nito na Scooby-Doo 2: Monsters Unleashed (2004). (Remate News Team)