Displaced studes ng CDSL tatanggapin sa ilang HEIs

Displaced studes ng CDSL tatanggapin sa ilang HEIs

August 31, 2022 @ 7:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ilang higher education institutions (HEIs) ang nangako na tatanggapin ang mahigit 600 college students na apektado ng biglang pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL).

Lumagda ang HEIs nitong Martes sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Commission on Higher Education (CHED) upang pormal na ianunsyo ang pagtanggap sa mga estudyante.

Inanunsyo ng CDSL ang pagsasara nito isang linggo bago ang nakatakdang pagsisimula ng school year, dahil umano sa financial reasons at mababang enrollment turnout sa nakalipas na mga taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Kabilang sa admitting schools ang St. Joseph’s College of Quezon City, NBS College, Siena College, Trinity University of Asia, Our Lady of Fatima University, Manuel L. Quezon University, College of St. Catherine Quezon City, AMA University, Villagers Montessori College, WCC-Aeronautical and Technological College North Manila, STI College Fairview, at STI College Muñoz.

Sa nasabing event, sinabi ni CDSL spokesperson Mark Vixen Dorado na 304 sa 652 college students o 47% ang nakalipat na saHEIs.

Aabot naman sa 96% o 625 ang nabawi na ang tuition refund checks, habang ang dokumento ng halos 429 estudyante ay naipalabas na.

“Colegio de San Lorenzo has forgiven and waived all student balances. That should also help with their financial difficulties,” pahayag ni CDSL president Mary Claire Balgan.

Personal din niyang pinasalamatan ang HEIs na pumayag na pumirma sa MOA ang buksan ang kanilang mga pintuan para sa displaced students. RNT/SA