Disqualifaction case ni BBM naantala ng COVID – Comelec

Disqualifaction case ni BBM naantala ng COVID – Comelec

January 17, 2022 @ 11:12 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Naantala ang desisyon ng Commission on Elections sa disqualification cases laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa COVID.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni Comelec Director 3 Elaiza Sabile David na ilan sa miyembro ng staff na naghahawak ng petisyon laban kay Marcos ay nagpositibo sa COVID.

“Unfortunately wala pa po dahil hindi pa ready yung draft,” lahad ni David.

“Kasama na rin po yung lawyers po sa office ng Commissioener kung sino yung ponente po, nagkasakit so medyo tinamaan din ng COVID. Magkakaroon po ng delay po sa paglabas ng decision ng promulgation.”

“Priority muna ang pagpapagaling ng kanilang staff,” dagdag pa nito.

Naunang sinabi ni Presiding Commissioner Rowena Guanzon sa resolusyon ng First Division na ilalabas ito sa Enero 17. RNT/FGDC