Disqualification case vs. Albay Gov., pinalagan ng mga tagasuporta

Disqualification case vs. Albay Gov., pinalagan ng mga tagasuporta

September 21, 2022 @ 12:47 PM 2 weeks ago


LEGAZPI, Albay – Pumalag sa pamamagitan ng kilos protesta ang mga tagasuporta ni Albay Governor Noel Rosal.

Ito ay makaraang makatanggap ng disqualification case ang gobernador na inihain laban sa kanya sa Commission on Election (Comelec) First Division nitong Lunes, Setyember 19.

Maliban sa kilos protesta, magma-martsa rin ang mga tagasuporta ni Rosal sa Biyernes, Setyembre 23.

Sa panayam nitong Lunes, ayon kay Rosal ay hiniling nito na maging kalmado pa rin ang mga Albayanos sa kabila ng disqualification case.

“I will continue to function as your governor until the court orders with finality to vacate the position. Please, stay calm. Thank you all for your support,” aniya.

Paglilinaw niya, hindi pa naman umano final at executory ang inilabas na resolusyon ng First Division at maghahain rin sila ng motion for consideration sa loob ng limang araw.

“We have five days from receipt or up to 24 September, to file a motion for recommendation to the Commission en banc. The decision, final order or ruling of the Comelec en banc may be brought to the Supreme Court on petition for certiorari under Rule 65 in relation to Rule 64 of the rules of court but becomes executory after five days if no restraining order is issued by SC,” paliwanag ni Rosal. RNT/JGC