Distressed OFWs pinagkalooban ng P1M pangkabuhayan ng OWWA

Distressed OFWs pinagkalooban ng P1M pangkabuhayan ng OWWA

January 19, 2022 @ 11:01 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nakatanggap ng P1 milyong grant mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-Region 11) ang isang grupo ng mga overseas Filipino worker sa Davao na umuwi sa bansa dahil sa pandemya.

Ipinagkaloob ng tatlong tranche ang naturang livelihood grant para magamit sa kanilang pangkabuhayan.

Ilan lamang sa nabigyan ng nasabing ayuda ang OFW na si Johnny Oquina na dating nagtrabaho sa Singapore pero napilitang umuwi dahil sa epekto ng pandemya.

Sa ulat ng GMA News, kamakailan ay pinasinayaan ang grocery store sa Davao City bilang kanilang panimula.

 

Sinabi naman ng Presidente ng asosasyon na si Gerlyn Acedo na ang grocery ang pinaka-essential sa mga tao kaya ito ang naisipan nilang pasukin na negosyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden