Distressed OFWs sa Kuwait tututukan ng DMW

Distressed OFWs sa Kuwait tututukan ng DMW

January 15, 2023 @ 10:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpadala ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mga opisyal upang suriin ang sitwasyon ng mga distressed Kuwait overseas Filipino workers (OFWs) na nasa isang shelter na pinapatakbo ng gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ni Secretary Susan Ople na pinangunahan ni Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Services Hans Cacdac ang DMW team.

Sabi ni Ople na nagpasya siyang ipadala ang mga opisyal ng DMW matapos niyang makita, sa pamamagitan ng virtual inspection, ang kalagayan ng pamumuhay ng mga OFW na kasalukuyang naninirahan sa shelter sa Kuwait.

Dagdag pa ng kalihim na hindi bababa sa 400 distressed OFWs ang naninirahan sa “Bahay Kalinga” shelter sa Kuwait.

Tiniyak din ng DMW na wastong matutulungan at mabibigyan ng medical care ang mga distressed OFWs.

Binigyang-diin din ni Ople ang kahalagahan ng pagpapanatili ng “secure at habitable” shelters para sa mga OFW.

Ang iba pang miyembro ng team ay sina Administrator Arnell Ignacio ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) – isang attached agency ng DMW – at Social Welfare Attaché Bernard Bonino.

Sinabi rin ni Ople na isinama ng DMW ang Social Welfare Attaches ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na bahagi na ngayon ng departamento para sa kanilang kadalubhasaan sa pag-upgrade ng mga overseas shelter.

Aniya ang mga shelter ay pinamamahalaan ng Migrant Workers Offices (MWOs), na dating Philippine Overseas Labor Offices (POLOs). Jocelyn Tabangcura-Domenden