Divisoria, pansamantalang ruta ng mga trak

Divisoria, pansamantalang ruta ng mga trak

August 13, 2019 @ 3:04 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Upang makabawas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Maynila ay binuksan na sa mga trak ang Divisoria bilang alternatibong ruta.

Sa naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, ngayong Lunes bubuksan ang kahabaan ng C.M Recto para sa mga truck na manggagaling ng pier.

Gayunman, dapat na sa inner lane lamang dumaan ang mga truck at kakaliwa sa Jose abad Santos patungo sa R.Papa hanggang Caloocan City.

Ang nasabing ruta ayon pa sa alkalde ay para lamang sa mga manggagaling sa pier at hindi ang mga papasok pa lamang hanggat hindi pa natatapos ang Skyway na daanan ng mga trak mula pier hanggang sa norte.

Sa sandali namang maari nang daanan ang Skyway na inaasahang matatapos sa susunod na taon ay agad ding isasara ang pansamantalang ruta sa Divisoria-C.M Recto. Jocelyn Tabangcura-Domenden